DOTr, nangakong sasagutin ang gastos ng mga pasahero

Metro Manila

NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) at ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na sasagutin nila ang pambayad sa pagpapagamot ng mga pasaherong nasagutan sa banggan ng dalawang tren ng LRT-2 kagabi.

Sasagutin ng DOTr ang lahat ng gastos sa medical bills, follow up check-ups at ang income loss ng mga naapektuhan ng aksidente.

Nagpa-utos narin kamakailan si DOTr Secretary Arthur Tugade na bigyan ng pagkain, libreng shuttle pauwi ang mga apektadong pasahero at bigyan ng fruit baskets ang limang naka-confine sa World Citi Medical Center at Quirino Memorial Medical Center.

Humingi naman ng paumanhin ang DOTr kasabay ng pagtiyak na isolated incident lamang ang nangyari at kaagad na naibalik ang operasyon ng LRT-2 pagkatapos ng insidente.

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *