Makabayan Bloc

Pagtatalaga ng totoong Minority Leader sa paparating na 18th Congress, ipinanawagan ng isang mambabatas

National News

Nananawagan si Albay Representative Edcel Lagman na magtalaga ng totoong minority leader sa susunod na kongreso.

Ayon kay Lagman, mainam na magkaroon ng matapang na Minority Leader sa 18th Congress na siyang kakatawan sa sentimyento at karapatan ng taong bayan na hindi mahahawakan sa leeg ng super majority.

Ani Lagman, dapat matiyak na hindi parte ng administrasyon o bata ng ruling majority ang itatalagang minority leader.

Giit pa ni Lagman, dapat maiwasan ang nangyari sa 17th Congress na bahagi ng majority ang naging minority leader na nakakaapekto sa pagpasa ng mga panukala.

Sa ngayon ay si outgoing Quezon Rep. Danilo Suarez ang kasalukuyang minority leader na kilalang kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *