DepEd

Pagbuwag sa K to 12 program, pinabulaanan ng DepEd

National News

PINABULAANAN ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat na balita sa social media na buwagin ng DepEd ang K to 12 program sa isang official statement ng DepEd, sinabi nitong magkaiba at malayo ang kumakalat na maling balita mula sa pahayag ng Commission on Higher Education (CHED) na ri-reviewhin lang nito ang sistema sa implementasyon ng programa.

Giit pa ng DepEd, hindi maaaring itigil ang programa dahil nakasaad naman ito sa Republic Act no. 10533 o Enhanced Education Act of 2013.

Paliwanag pa ng DepEd, nasa kamay ng kongreso kung papalawigin pa nito ang batas at walang magagawa dito ang DepEd.

Tinatayang nasa 2.7 milyon na estudyante ang nakinabang sa programa dahil sa free o highly subsidized ang mga Senior High sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *