Paghahanda sa posibleng proklamasyon ng mga nanalong Senador ngayong araw, patuloy

National News

Inihahanda na ang forum 2 ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City sa posibleng proklamasyon ng mga nanalong senador ngayong araw.

Nakalatag na ang red carpet sa labas ng PICC at mahigpit na rin ang ipinatutupad na seguridad sa lugar.

Ayon sa Comelec, inaasahang magaganap ang proklamasyon ng labing dalawang (12) winning senators mamayang hapon o gabi.

Inaasahan naman na isagawa ang proklamasyon ng mga nanalong Party-list groups bukas ng gabi.

Pinaghahanda rin ng Comelec ang posibleng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng abiso ng Malakanyang na hindi dadalo ang pangulo sa proklamasyon

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ang natitirang Certificates of Canvass (COC) mula us at Saudi Arabia.

Base sa latest partial and official tally, pasok sa magic 12 sina re-electionist Senator Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee

Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, Bong Revilla, at Nancy Binay habang nasa ika-13 at ika-14 na pwesto sina re-electionist JV Ejercito at Bam Aquino.

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *