Pagpapatayo ng dormitoryo sa loob ng SUCs, aprubado na

National News

PASADO na sa third and final reading ang Senate Bill 8370 o ang panukalang required ang bawat State Universities and Colleges (SUCs) na magkaroon ng infrastructure plan para sa pagpapatayo ng mga dormitoryo sa loob ng kanilang paaralan.

Ayon kay Senator Chiz Escudero, ang sponsor ng nasabing panukala, malaking tulong ito para masiguro ang kaligtasan ng mga estudynate.

Dagdag pa ni Escudero, sagot din ito para mabawasan ang mga drop out cases sa mga estudyante lalo sa mga mahihirap na mag-aaral.

Kadalasan kasi na dahilan kung bakit tinatamad na mag-aral ang mga estudyante ay dahil sa mahal ng lodging fee na malapit sa kanilang pinapasukang paaralan.

Tiniyak din ni escudero na sa pamamagitan ng panukala, mabibigyan din ng housing projects ang mga faculty members at staff para mas mapadali sa kanila ang pagtuturo.

Sa ilalim ng proposed legislation, ang lahat ng SUCs ay kailangang magsubmit ng Land Use Development Plan sa Commission On Higher Education (CHED) sa loob ng dalawang taon pagkatapos aprubahan ang nasabing panukala.

Ulat ni: Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *