SOCE

Proklamasyon ng 12 nanalong Senador, itinakda mamayang gabi

National News

IKINASA na ng Commission on Election (Comelec) ngayong araw ang proklamasyon ng 12 nanalong senador sa halalan noong May 13.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mamayang gabi na ang proklamasyon para sa mga nanalong senador habang unang ipo-proklama ngayong umaga ang mga nanalong Party list groups.

Inamin ng Comelec na posibleng may pagbabago pa sa posisyon ng pang-labindalawa (12) at pang-labintatlong (13) puwesto dahil hindi pa nabibilang ang nasa mahigit 1 milyong boto mula sa special election sa Jones, Isabela.

Kabilang din sa hinihintay ng Comelec ang nasa 500,000 na boto mula sa Overseas Absentee Voting.

Pinaghadaan din ng Comelec ang security protocol na ipatutupad sa inaasahang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa proclamation ng mga winning senatorial candidates.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *