Proklamasyon ng mga nananalong Senador at Party-list sa eleksyon, tuloy na ngayong araw  

National News

Tuloy na ngayong araw ang proklamasyon ng mga nanalong Senador at Party-list group.

Mamayang 10 ng umaga ang nakatakdang proklamasyon ng labing dalawang (12)  bagong halal na senador habang mamayang 7 ng gabi naman ang para sa mga nanalong Party-list group.

Pinapayagan naman ng Commission on Elections (Comelec) na magsama ang nanalong senador ng hanggang sampo (10) ka tao habang lima (5) naman sa mga nanalong Party-list group.

Nauna nang napabalitang posibleng dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa proklamasyon ng mga nanalong senador.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *