Kiko Pangilinan

Sen. Pangilinan nagresign na bilang presidente ng Partido Liberal

National News

MATAPOS ang mapait na pagkatalo ng oposisyon sa nagdaang halalan ay nagbitiw na sa kanyang pwesto si Liberal Party (LP) President Kiko Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan ay inabot na nya ang kanyang resignation letter sa kanilang Party Chairman na si Vice President Leny Robredo.

Sa kanyang paliwanag sa media, nagbitiw siya sa pwesto matapos bigo nyang maipanalo, bilang campaign manager, ang Otso Deretso sa midterm elections.

Si pangilinan ay effective na bababa sa pwesto sa June 30.

Matatandaan na ang Otso Deretso ay ang senatorial slate ng oposisyon para sa halalan ngunit bigo silang makakuha ng pwesto sa top 12.

Ulat ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *