AFP, handa na sa posibleng implementasyon ng Mandatory ROTC Program

National News

HANDA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling tuluyan nang maipasa ang Reserve Officer Training Corps (ROTC) bill bago matapos ang 17th congress.

Ito ang tiniyak ni Brigadier General Rolando Rodil, Commander ng ARESCOM sa kaniyang panayam sa DZAR 1026 Sonshine Radio.

Ani Rodil, sakaling maisabatas ang ROTC Bill ay hihiling sila ng dalawang taon transition period upang mas maging maayos ang implementasyon nito.

Gayunman, tiniyak ng opisyal na nakahanda na ang kanilang pilot program na kanilang binuo katulong ang Department of Education (DepEd).

“Kung sakaling maipasa ngayon at sinabing pwede niyo nang i-pilot yan, handang handa na kami. may curriculum na kami, meron na kaming memorandum of agreement with deped, meron nang 100 na pilot schools at nagworkshop na yung mismong mga posibleng magtuturo from deped at tsaka doon sa afp dito sa pilot program as early as last year.” Ang tinig ni Brigadier General Rolando Rodil, Commander, ARESCOM.

Kasunod nito ay tiniyak ni Rodil na sa ilalim ng panukalang batas ay mayroong seguridad ang mga kabataan laban sa naging kontrobersiya dati sa ROTC gaya ng hazing at korapsyon.

Magugunitang taong 2002 ng itinigil ang ROTC program sa bansa at ginawa nalang na opsyonal.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *