American rock band na The Maine, nakatakdang mag-concert sa bansa

Showbiz

BALIK-Pilipinas ngayong taon ang sikat na American Rock Band na The Maine para sa isa nanamang concert.

Muli nanamang makikipagrak-rakan live ang banda sa mga Pinoy fans sa kanilang “The Maine live in Manila 2019” show.

Gaganapin ito sa new frontier theater sa Quezon City sa Septermber 14.

Bagaman ikalawang solo concert palang ito ng The Main sa Pilipinas mula noong 2012 ay makailang beses na ring nagtanghal ang banda sa Pilipinas tulad noong 2017 Bazooka Rock Festival, 2014 88123 tour at ang kanilang 2015 show kasama ang All Time Low.

Ilan sa pinasikat na kanta ng The Maine ay ang numb without you, broken parts at my best habit.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *