FDA, magsasagawa ng pagsusuri sa mga branded na suka

National News

MAGSASAGAWA ng pagsusuri ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga brand ng suka sa merkado para malaman kung mayroon ang mga ito ng synthetic acetic acid.

Ayon kay Dr. Rolando Enrique Domingo, undersecretary at tagapasalita ng Department of Health (DOH) at officer-in-charge ng FDA, inisyuhan na ng memorandum ang manufacturers ng 274 vinegar brands para madetermina ang composition ng kanilang produkto.

Iginiit ni Domingo na dapat natural ang suka batay na rin sa FDA’s definition.

Bawal din aniya ang paggamit ng clouding substance o pampalabo para magmukhang suka ang produkto.

Gayunman, nilinaw ng opisyal na ang paggamit ng synthetic acetic acid ay ligtas.

Sinabi ni Domingo na kung minis-label ng mga manufacturer at sinabing natural ang produkto pero synthetic ang ginamit nila ay ito ang kanilang magiging pananagutan.

Dagdag pa ng FDA OIC na kapag napatunayang hindi natural ang produkto ay tatangalin ang mga ito sa merkado.

Una nang sinabi ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na 15 mula sa 17 na brand ng suka na binebenta sa major supermarkets ay gawa mula sa synthetic acetic acid.

Hindi naman tinukoy ng PNRI ang mga nasabing brand pero isinumite na anila sa FDA ang kopya ng resulta ng kanilang research at ang FDA ang makikipag-ugnayan sa mga manufacturer.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *