comelec

Kongreso, kakalampagin ng Comelec kaugnay sa mga masasangkot sa vote buying

National News

MATAPOS ang proklamasyon sa mga nanalong senador, agad na pagtutuunan naman ng pansin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdulog nito sa susunod na kongreso para sa mungkahing taasan ang parusa sa mga taong masasangkot sa vote buying.

Agad na napag usapan sa isang pulong balitaan ang posibleng pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga masasangkot sa vote buying katuwang ang susunod na kongreso.

Ayon kay Comelec Chair Sherriff Abas, may kaunting pahinga ang Comelec matapos ang pagdaraos ng isa sa pinakamalaking aktibidad ng bansa.

Aminado ang komisyon na hanggang ngayon ay nangangapa pa rin sila sa pagpapanagot sa mga umano’y vote buying sa bansa na bigo ding mapatunayan ng mga nagrireklamo.

Nanawagan nalang ng pakikiisa at responsableng pagsusumbong sa mga iriegularidad sa nakatakdang pagsasagawa ng halalan sa taong 2022.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *