Mga bagong Senador, naiproklama na

National News

MATAPOS ang botohan sa Mayo 13 ay prinoklama na nga ngayong araw ng Comission on Elections (Comelec) ang labingdalawang (12) senator-elect na nanalo sa midterm elections.

Matapos ang ilang araw na pagkakadelay ay isa-isa nang tinanggap ng mga senator-elect ngayong araw sa stage sa PICc ang kanilang certificate mula sa comission on elections.

Ang certificate ang patunay o simbolo na sila ang TOP 12 na ibinoto ng mamamayang Pilipino at nanalo sa midterm elections ngayong 2019.

Sa kanyang speech ay isaisang pinasalamatan ni Comelec Chairman Sheriff Abas ang lahat ng naging katuwang na mga ahensya na nakiisa para sa isang matagumpay na halalan.

Na more or less ay 2,000 ang lamang sa pang 13 na si Senador JV Ejercito.

Pangalawan tinawag upang tanggapin ang certificate ang nagbabalik sa senado na si bong Revilla na sinamahan ng kanyang may bahay at mga anak.

Si revilla ay sinundan ni re-electionist at dating senate president Koko Pimentel.

Sunod-sunod na ring tinawag sina dating political adviser to the president Francis Tolentino former governor Imee Marcos, actor turned politician na si “ Pinuno”Lito Lapid Re-electionist Sonny Angara Dating PNP Chief Bato Dela Rosa.

Ang nagbabalik sa senado na si Taguig Congresswoman Pia Cayetano, dating Special Assistant to the President Bong Go Re-electionist, Grace Poe.

Huling tinawag naman ang nangunguna sa lahat ng kandidato sa midterm elections na si Senadora Cynthia Villar.

Siya ay sinamahan sa stage ng kanyang asawa na si dating senate president Manny Villar at anak na si Las Pinas Congresswoman Camille Villar.

Ulat ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *