water concessionaire.

MWSS, inisyuhan ng Notice of Service Obligation Failure ang Maynilad

Metro Manila Metro News

INISYUHAN ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) regulatory office ng notice of service obligation failure ang Maynilad.

Bunsod ito ng kabiguan ng Maynilad na makamit ang kanilang service obligation na nakasaad sa ilalim ng concession agreement.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, nitong mga nakaraang linggo ay nakatanggap sila ng mga reklamo ukol sa serbisyo ng Maynilad.

Binigyan naman ng MWSS ang water consumer ng limang araw para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat pagmultahin ng gobyerno.

Matatandaang Pebrero nang maranasan din ito ng Manila Water at ngayon ay pinagmumulta ang kumpanya ng P1.13 bilyong dahil sa kabiguan na makamit ang kanila 24/7 service obligation.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *