Outgoing Sen. Bam Aquino, tinanggap na ang pagkatalo sa katatapos na halalan

National News

ILANG oras bago ang proklamasyon sa mga nanalong senador sa katatapos na midterm eleksyon ay maluwag na tinanggap ni Sen. Bam Aquino ang kanyang pagkatalo .

Sa twitter post ni Bam, bigo man aniya itong makakuha ng ikalawang termino sa mataas na kapulungan kongreso ay mananatili aniya ang kanyang pagmamahal at paninilbihan sa bayan.

Dagdag pa nito, isang malaking karangalan ayon kay Bam ang magsilbihan sa bayan sa loob ng anim na taon.

Kaugnay nito, lubos na nagpapasalamat si Bam sa lahat ng sumuporta, naniwala sa kanyang kakayahan at sa mga walang pagod na nangampanya sa kanya nitong nagdaang buwan.

Batay sa final tally ng Comelec, nasa ika-14 na pwesto si Bam na may kabuuang 14,114,923 votes.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *