Sen. Imee Marcos, hiniling na maging bahagi ng Agriculture Committee ng senado

National News

PERSONAL na nananawagan si Senator elect Imee Marcos sa kaniyang pagpasok sa senado na maging bahagi siya ng committee na tututok sa estado ng agrikultura sa bansa.

Ayon kay Marcos, naniniwala siyang malaki pa ang kulang sa bansa kaugnay sa sitwasyon ng agrukultura partikular na sa mga barangay.

Samantala, una na niyang ipinangako ngayon na aagapay ito sa mga taga Ilocos lalo na sa mga matagal ng loyalista ng kanilang pamilya.

Bukas naman ang kasalukuyang Senate Committee on Food and Agriculture na si Senator Cynthia Villar na makatrabaho nito ang papasok na mambabatas na si Imee Marcos.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *