Toronto Raptors, naitabla ang series sa Eastern Conference Finals kontra Milwaukee Bucks

Sports

NAGAWANG maitabla ng Toronto Raptors ang kanilang Eastern Conference Finals series kontra Milwaukee Bucks.

Tinalo ng Raptors ang Bucks sa kanilang game 4 sa iskor na 120-102

Napanatili ng Toronto ang kanilang kalamangan sa first half hanggang matapos ang huling quarter ng kanilang laro

Nanguna naman para sa panalo ng raptors si Kyle Lowry na May 25 points, 5 rebounds at 6 assist

Nag-ambag naman si Kawhi Leonard ng 19 points at 18 points si Norman Powell

Samantala, hindi umumbra ang 30 points ni Khris Middleton at 25 points ni Giannis Antetokounmpo para i-angat ang bucks.

Sa ngayon tabla na sa 2-2 ang series ng dalawang koponan muli naman silang maghaharap para sa game 5 sa biyernes.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *