Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba

Regional

Patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng mga naranasang pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Sa huling tala ng PAGASA Hydrology Division kaninang alas-sais ng umaga, bumagsak pa sa 171.27 meters ang water level sa Angat.

Nabawasan ito ng 0.48 meters mula sa 171.75 meters kahapon.

Bahagya namang nadagdagan ang water level sa La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.64 meters mula sa 68.56 meters kahapon.

Samantala, ilan pa sa mga nabawasan ang lebel ng tubig ay ang Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dam.

Matatandaang pansamantalang itinigil ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon mula Angat dahil sa patuloy ng pagbaba ng water level nito.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *