Pulong Duterte

Pulong Duterte, nais paimbestigahan ang panibagong rebelasyon ni alyas Bikoy

National News

Naglabas na ng pahayag si Davao City Congressman Elect Pulong Duterte sa panibagong alegasyon ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy”.

Sa kanyang official Fb page, sinabi ni Pulong na kinakailangan anyang maimbestigahan ng maigi ang panibagong rebelasyon ni Advincula.

Dagdag pa nito na sa simula pa ng paglabas ng mapanirang “Ang Totoong Narcolist Video” ay duda na siya na ito ay gawa-gawa lang at may layuning siraan lang ang kanyang pangalan at reputasyon.

Tama anya ang sinabi pa niya dati na si Sen. Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng pagpapakalat ng video.

Matatandaang isinasangkot sa ang totoong narcolist videos si Pulong na sangkot ito sa sindikato ng iligal na droga sa bansa na mahigpit naman nitong pinasinungalingan.

 

Ulat ni: Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *