Peter Joenel Advincula

Senador Antonio Trillanes IV, kakasuhan si Peter Joenel Advincula o Alyas Bikoy

Section

NAKATAKDA na kunsultahin ni Senador Antonio Trillanes IV ang kanyang mga abugado para pag-aralan ang pagsasampa ng kaso laban kay Peter Joenel Advincula o alyas Bikoy na lumabas sa kontrobersyal na video.

Ito ang naging pahayag ni Trillanes matapos na lumabas kanina si Bikoy sa telebisyon kung saan idinadawit naman ngayon si Senador Antonio Trillanes IV at ang Liberal Party kung bakit ito naglabas ng kasinungalingan sa controversial na video para idawit ang Pangulong Duterte at si incoming Senator Bong Go sa illegal na droga.

Itinanggi ni Trillanes ang panibagong akusasyon ni Bikoy na idinadawit naman sya ngayon sa likod umano ng kontrobersyal video.

Aniya ni Trillanes panibagong aksyon na naman ito ng administrasyon para i-harras ang opposition.

Ulat ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *