Alex Gonzaga

Alex Gonzaga, personal na humingi ng tawad kay Paranaque Mayor Edwin Olivarez

Showbiz

          Matapos ang ilang araw na kontrobersiya, humingi na ng tawad ang tv host-vlogger na si Alex Gonzaga kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez.

Kahapon, nang personal na nagtunggo ang aktres sa city hall ng lungsod upang personal na humingi ng paumanhin sa alkalde.

Ito ay kaugnay ng naging pasaring ni Alex laban kay Mayor Edwin habang nasa isang political campaign ng ineendorsong party list.

Magugunitang inulan ng bagtikos si Alex nang tawagin nitong “mandurugas” ang alkalde sa naturang campaign rally.

Ikinatuwa naman ng Paranaque mayor ang personal na pagpunta ng komedyante sa kaniya at nilinaw na hindi nito dinamdam ang hirit ni Alex at aniya naiintindihan niya na politika lamang iyon.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *