Party-List System

Batas sa party-list system, dapat umanong repasuhin

National News

Dapat nang baguhin ang batas sa party-list system, maging ang proseso ng akreditasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa party-list groups.

Ito ang sinabi ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay sa panayam ng Sonshine Radio at Smni News.

Ipinaliwanag ni Tanjusay na mas lumaki ang kapangyarihan ng mga mayayaman ngayon dahil sa mga pekeng party-list.

Dagdag nito, nawala na ang tunay na kahulugan ng party-list na dapat ay kumakatawan sa mga “marginalized sector” o mga grupong hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa lipunan.

Matatandaan na 51partylist group ang nanalo sa nagdaang halalan kung saan ilan dito ay ginawang backdoor o shortcut ang partylist para maka-pasok sa mababang kapulungan ng kongreso.

 

Ulat ni: Iram Alue

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *