Bukluran ng Mangagawang Pilipino

Bukluran ng Mangagawang Pilipino, ‘di kontento sa naipasang End Endo Bill ng Senado

Metro News Section

Matapos pumasa sa 3rd and final reading sa Senado ay binatikos ng grupong Bukluran ng Mangagawang Pilipino ang Security of Tenure Act o End Endo Bill.

Ayon sa isang source, sinabi ni Ka Leody de Guzman, Chairperson ng BMP, na ang Senate bill 1826 ay may maraming butas.

Paliwanag ni de Guzman, hindi natanggal sa panukala ang trilateral work o 3rd party arrangement na siyang pangunahing rason nang pagiging anti-worker ng kontraktwalisasyon.

Ipinunto ni de guzman na maaring naglagay nga ito ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag ng mga kapitalista, ngunit kung pinanatili nitong ligal ang iskema para gawing mura at maamo ang mga manggagawa, tila umanoy ginawa na nitong inosente ang lahat ng prinsipal na employer at mga kontratista ng mga trilateral work arrangements.

Matatandaan na ang End Endo Bill ay isa sa mga batas na certified as urgent o pinamamadali ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang SONA noong 2018, hinikayat ng pangulo ang mga mambabatas na tuluyan nang wakasan ang endo.

 

Ulat ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *