Compensation Bill

Compensation Bill para sa mga biktima ng Marawi Siege, isinusulong sa kongreso 

Regional

MAHIGIT dalawang taon makalipas ang Marawi Siege ay isinusulong pa rin ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) ang nakabinbing Compensation Bill sa kongreso.

Sa ilalim ng nasabing panukala, maoobliga ang pamahalaan na magbigay ng kaukulang tulong pinansiyal para sa mga apektadong residente ng halos limang buwang bakbakan sa Marawi City noong 2017.

Nasa apat na libong pamilya na naapektuhan ng Marawi Siege at dating nakatira sa Danger Zones ang tutulungan ng gobyerno para sa rekolasyon at konstruksyon ng mga bahay.

Tiniyak naman ni Task Force Chairperson Secretary Eduardo Del Rosario na simula sa Hulyo ay papayagan na ang mga apektadong residente na magtayo ng kanilang bahay sa Sector One, isa sa mga lugar sa main battle area na matinding napinsala sa kasagsagan ng nasabing bakbakan.

Maging aniya ang mga private owner ay maaari nang bumalik sa nasabing lugar para isaayos o magtayo ng bagong gusali subalit sila ang sasagot sa gastusin dito.

Samantala, magsisimula sa susunod na buwan ang paggiba sa 2,500 bullet-ridden structures sa harapan ng Lake Lanao at sa proseso ng demolisyon ay kailangang nandito ang mga may-ari ng mga gusali o bahay na gigibain.

Nasa dalawampu’t apat mula sa kabuuang 96 Barangays sa Marawi ang matinding napinsala ng bakbakan sa pagitan ng teroristang grupong Maute at tropa ng pamahalaan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *