Proceso Alcala

Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, naghain ng not guilty plea

National News

Binasahan na ng sakdal sa Sangidanbayan Fifth Division si dating Agriculture Secretary Proceso Alcala para sa kasong graft.

Kaugnay ito sa umano’y pagmanipula ni Alcala sa importasyon ng bawang mula 2010 hanggang 2014.
Sa pagharap sa anti-graft court, naghain ng not guilty plea si Alcala 3 bilang ng katiwalian na isinampa laban sa kanya.

Hindi naman natuloy ang arraignment sa iba pang akusado na sina dating National Plant Quarantine Services Division (NPQSD) Chief Luben Marasigan, at kasalukuyang NPQSD Head Merle Palacpac at 20 pang pribadong indibidwal dahil sa nakabinbin na mga mosyon.

Matatandaang pinasampahan ng kaso ng Ombudsman ang mga akusado matapos ang imbestigasyon nito na mula 2010 hanggang 2014.

Nasa kabuuang 8,810 import permits (IPS) ang inisyu nila Alcala, Barron, Palacpac at Marasigan sa kabila ng suspension order.

Sinabi ng prosekusyon na ito ang dahilan ng pagtaas ng bawang sa halagang P260 hanggang P400 kada kilo noong 2010 hanggang 2013 mula sa P165 to P170 kada kilo.

Kasalukuyang nakalalaya si Alcala at mga kapwa akusado matapos maglagak ng P30,000 na pyansa sa bawat isang kaso.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *