frontal system

Ilang bahagi ng bansa, apektado ng frontal system at localized thunderstorms

National News

APEKTADO ng frontal system at localized thunderstorms ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Cagayan Valley Region, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora at Quezon bunsod ng frontal system.

Mararanasan din ang kalat-kalat na pag-ulan sa metro manila at nalalabing bahagi ng bansa, lalo na sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng flash floods at landslides sa kasagsagan ng pag-ulan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *