Volleyball Player of the Year

Lady Spiker na sina Sisi Rondina at Regine Arocha, Volleyball Player of the Year

Sports

TATANGGAP ng Sportsvision Volleyball Players of the Year ang dalawang manlalaro sa Lunes na gaganapin naman sa Amelie Hotel Manila in Malate, Manila.

Nakapagpanalo na ang tigress na si Rondina ng 3-peat championship sa Beach Volleyball at nakapagbigay na ng kaniyang unang ginto sa UST sa UAAP Season 81.

Sa ngayon ay ito na ang huli at ikalimang taon ng 4-time MVP na si Rondina na maglalaro para sa University of Sto Thomas.

Habang pinangungunahan naman ng lady chief na si Arocha ang finals ng NCAA Season 94.

Naiuwi ng Arellano University ang kanilang 3-peat championship kontra sa Our Lady of Perpetual Help University at nagbigay din kay Arocha ng kaniyang ikalawang sunod na MVP Award.

Kabilang din sa pararangalan ng Collegiate Press Corps Awards ay ang National University Women’s Basketball Team  na tatanggap ng Award of Excellence, Ateneo Players Angelo Kouame at  San Beda’s Javee Mocon bilang mga pivotal players, CJ Perez ng Lyceum at Sean Manganti ng Adamson University bilang mga impact players.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *