Buy Bust Operation

P1.7-M halaga ng shabu sa Buy Bust Operation sa Gen. Trias, Cavite, nakumpiska

Regional

MAHIGIT isang milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa Drug Buy-Bust Operation ng mga otoridad sa General Trias City, Cavite.

Naaresto sa operasyon ang dating detainee at isang high value target na si Zandro Oñate.

Nakumpiska sa bahay ni Onate sa Bella Vista Subdivision sa Barangay Santiago ang 250 na gramo ng shabu na may halagang P1.7 Milyon.

Nabatid na una nang naaresto sa kasong pagnanakaw si Onate.

Mahaharap ang suspek sa kasong Drug Pushing Base sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *