P1-B danyos

P1-B danyos, hinihingi ng negosyanteng idinawit ni “Bikoy” sa kanyang Videos

Metro Manila

HUMIRIT ng mahigit isang bilyong pisong danyos perwisyo ang negosyanteng idinawit ni Peter Joemel Advincula sa Illegal Drug Trade sa kanyang videos, mula sa kanya at sa dalawang social media giants.

Nahaharap sa kasong Cyberlibel si Advincula, Facebook Philippines at Google Philippines na may-ari ng Youtube hinggil dito.

Sinabi ni Elizaldy Co, may-ari ng Misibis Bay Resort na sinasabing Headquarters ng isang drug ring ni alyas “Bikoy” sa kanyang videos, na dapat managot si Advincula at ang dalawang social media giants.

Giit ni Co, hindi dapat hayaan na lamang ng legal system ng bansa na maging bahagi ang mga ito ng systematic campaign para maka-panira ng mga tao.

Inihain ni Co at ng nasabing resort ang magkahiwalay na reklamo para sa Cyberlibel laban kay Advincula at sa dalawang social media giants sa Legazpi City Prosecutor’s Office.

Sa unang reklamo, nasa 150 Milyong Piso ang hinihinging moral damages mula kay alyas ”Bikoy”, Facebook at Youtube, 100 Milyong Piso sa exemplary damages habang 10 percent sa attorney’s fees.

Para sa ikalawang reklamo, nasa 500 Milyong Piso ang hinihirit na danyos mula kay Advincula at sa dalawang social media giants habang 50 Milyong Piso sa attorney’s fees.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *