Partylist Coalition

Partylist Coalition nagpulong na para sa pagpili ng susunod na House Speaker

Section

NAGPULONG na sa kauna- unahang pagkakataon ang 54 na mambabatas na bubuo sa Partylist Coalition sa darating na 18th Congress para sa pagpili ng susunod na House Speaker.

Si 1- Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ang mangunguna sa partylist bloc bilang ikalawa sa malalaking grupo sa kamara kasunod ng PDP-Laban bloc.

Dahil diyan, inimbitahan nila ang mga kandidato sa pagka speaker para himukin ang Partylist Coalition na sumuporta bilang bahagi ng “Open Courtship Phase.”

Una nilang inimbitahan sina re-elected Tacloban City Representative-elect Martin Romualdez, re- elected Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Las Pinas Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano.�

Ayon naman kay Congressman Romero, mainam na makaharap nila ng personal ang mga tatakbo sa speakership race para marinig nila ng personal ang mga agenda ng bawat kandidato na makakatulong sa sektor na nirerepresenta ng mga partylist groups.

Sa huli ay iginiit ni Romero na aayon sila sa legislative agenda ni Pangulong Duterte sa nalalabing taon nito sa serbisyo kasabay ng pagpasa ng maraming de-kalidad na panukala sa 3 taon ng kanilang termino.

Ulat ni : MJ Mondejar

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *