Peter Joemel Advincula

Peter Joemel Advincula, isinugod sa PNP General Hospital

Metro News

Isinugod sa Philippine National Police (PNP) General Hospital si Peter Joemel Advincula o alyas “Bikoy” na nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos.

Ito ay matapos tumaas ang blood pressure ni Advincula sa 130/90.

Ayon sa PNP, nakaranas ng pagkahilo at paninikip ng dibdib si Bikoy habang nasa loob ng custodial facility ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Inaasahan naman na makakapagpiyansa ngayong araw si Advincula para kasong estafa na kanyang kinakaharap sa Baguio City.

Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na agad papalayin si Bikoy sakaling magpalabas ng release order ang korte.

Aniya, ayaw lang nilang mabahiran ng pulitika ang pananatili sa Kampo Krame ni Advincula.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *