VIP treatment

PNP, itinangging binigyan ng VIP treatment si Peter Joemel Advincula o Alyas ‘Bikoy’

Metro Manila

WALANG ibinibigay na VIP treatment ang Philippine National Police (PNP) kay Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ na iniuugnay ang oposisyon sa umano’y oust-Duterte plot.

Ito ang paglilinaw ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, kasabay ng pagtanggi nito na scripted ang mga ibinunyag ni Bikoy sa press briefing sa Camp Crame kahapon.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP, dapat ay hihingi lamang ng public apology sa first family si Advincula kahapon ngunit dahil aniya sa mga tanong ng media ay humaba na ang presscon at nadagdagan na ang mga impormasyon.

Sinabi ni Banac na bago ang presscon ay binalaan na nila si Advincula na ang anumang sasabihin nito ay maaaring gamitin laban dito lalo na’t wala itong kasamang abogado.

Nilinaw din ng opisyal na hindi pinosasan si Bikoy dahil hindi nila ito nakikita bilang banta at maayos itong sumama sa kanila.

si Bikoy ang nagpakilalang narrator ng “Ang Totoong Narcolist Video” na isinasangkot ang ilang pamilya at malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Illegal Drug Trade.

Ngunit kahapon ay isiniwalat nito na puro kasinungalingan lamang ang nasa videos at si Senador Antonio Trillanes umano ang mastermind nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *