Peter Joemel Advincula

Senate President Sotto, binatikos ang mga pumatol at naniwala kay Peter Joemel Advincula

Metro Manila

BINATIKOS ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga taong pumatol at naniwala kay Peter Joemel Advincula noong una itong lumutang at nagpakilalang siya si “Bikoy”.

Tinukoy ni Sotto ang unang paglutang ni Advincula sa press conference ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) noong Mayo a-sais kung saan nagpakilalang siya si bikoy sa serye ng videos na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado nito sa Illegal Drug Trade.

Sinabi ng mambabatas na hindi niya kinagat ang mga sinabi ni Advincula noong lapitan siya nito noong 2016 kung saan sinubukan nitong i-ugnay si noo’y Pangulong Noynoy Aquino at iba pang mga dating opisyal ng gobyerno sa Illegal Drug Trade.

Naalala pa ni Sotto na hinimok niya si Advincula na magpakita ng mga patunay at ilantad ang mga taong nasa likod nito kaugnay ng kanyang mga alegasyon noong nilapitan siya nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *