African Swine Fever

DA, nagbabala sa publiko na maging alerto sa lumalalang isyu ng African Swine Fever

National News

Nanawagan si Department of Agriculture Sec. Manny Pinol sa publiko na dapat maging alerto ang publiko sa lumalaganap na African Swine Fever sa buong mundo.

Hinikiyat din ng DA ang bawat isa na makiisa sa ginagawang paghihigpit ng kagawaran sa mga pumapasok na karne ng baboy, maging sa mga de lata.

Kung hindi ito lalabanan at babantayan ng mabuti ay maaari itong makapasok sa ating bansa at masira ang ating mahigit 200 bilyong hog industry.

Hinihingi din ng DA ang pakikipagtulungan ng gobyerno at Bureau of Customs sa pagpapatupad ng mga memorandum na magbabawal sa pagpasok ng mga shipment ng baboy fresh o processed, maski de lata na galing sa mga bansang apektado ng ASV gaya ng China, Hongkong, Macau, Vietnam, Cambodia, Russia, Ukraine, Poland at Mongolia sa Eastern Europe.

Muli ding ipinapayo ni Pinol sa mga balikbayan na huwag mag-uuwi ng baboy kahit pa de lata na galing sa mga bansang ito.

Ang simumang lumabag ay mumultahan ng 200,000 at kanilang kukumpiskahin ang nasabing mga produkto.

 

Ulat ni: TJ Bumanlag

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *