graduation rites

6 na Pisay students, hindi pinayagang makasama sa graduation rites

Metro News

Hindi pinayagang makasama sa graduation rites ang 6 na estudyante ng Philippine Science High School na sangkot sa pagpapakalat ng maseselang litrato ng kanilang mga dating kasintahan.

Ayon kay Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña, 3 sa mga ito ay makakakuha ng diploma habang ang 3 ay makakakuha lamang ng Certificate of Complexion.

Gayunman, makukuha lamang aniya ang mga ito kapag nakumpleto o naibigay na ng 6 na estudyante ang mga requirement na bahagi ng penalty.

Sinabi ni Dela Peña na nakatakdang maglabas ng official statement ang executive director ng PSHS ukol sa isyu.

Pagbabahagi ng mga pribadong larawan ng ilang estudyante ng Pisay, dapat ikabahala

Dapat ding ikabahala ng buong bansa at hindi lamang ng mga paaralan ang isyu sa pagbabahagi umano ng mga pribadong larawan ng ilang estudyante ng Philippine Science High School (PSHS).

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang nasabing isyu ay tungkol din sa kung paano a-aksyunan ng bawat komunidad ang pambabastos, pang-ma-maliit at pang-aabuso sa mga kababaihan.

Tinukoy ni Robredo na ang problema sa nasabing usapin ay hindi ang karunungan kundi ang kultura ng bansa.

Una nang inirekomenda ng management committee ng Pisay na huwag pag-martsahin ang 6 na lalaking iskolar sa graduation ceremonies dahil sa pagkakasangkot umano sa pagbabahagi ng mga pribadong larawan ng mga kaklase nilang babae.

Gayunman, hindi sinunod ng board ng PSHS ang nasabing rekomendasyon na binatikos ng mga estudyante at faculty members.

 

DZARNews

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *