Filipino at Panitikan

CHED, iginiit na hindi nila tinanggal ang Filipino at Panitikan sa General Education Curriculum

National News

Muling iginiit ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi nila tinanggal ang Filipino at Panitikan sa General Education Curriculum.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na malinaw itong nakasaad sa desisyon ng Supreme Court.

Dagdag ni de Vera,  inilipat lamang ang mga nabanggit na subject sa Senior High School Level dahil ito ay importanteng building blocks sa paghahanda ng senior high students na maging preparado na sa mga unibersidad kapag sila ay nag-graduate na.

Bagaman aniya naniniwala ang CHED sa mahalagang papel na ginagampanan ng lengguwahe sa edukasyon ay hindi maaaring ituro bilang isang subject ang Filipino subalit dapat gamitin sa oral at written forms sa lahat ng academic domains.

Binigyang-diin pa ni de Vera na matagal nang pinag-tatalunan ang isyu sa Filipino at Panitikan bilang mandatory subjects sa kolehiyo kaya nanawagan ang CHED sa lahat ng sektor na igalang at sundin ang desisyon ng Supreme Court.

Tiniyak naman ni de Vera na mabibigyan ng scholarship at professional education assistance ang mga maaapektuhang Filipino at Panitikan teachers sa pamamagitan ng K to 12 Transition Program Fund.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *