reckless driving

DOTr, hindi i-totolerate ang reckless driving

Metro News

Mahigpit na nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na hindi nila itotolerate at gagawa sila ng nararapat na aksyon laban sa mga motorista na nasasangkot sa reckless driving at ipinagyayabang pa sa social media.

Kasunod ito ng video sa Facebook post kung saan makikita ang isang lalaki na nagmamaneho habang nakaupo sa passenger seat.

Ayon sa DOTr, ipatatawag ngayong araw sa Land Transportation Office (LTO) ang motorista na nakilalang si Miko Lopez.

Sinabi ng DOTr na sasampahan ng LTO ang lalaki ng reckless driving, illegal modification, hindi pagsusuot ng seatbelt at improper person to operate a motor vehicle.

Babawiin rin aniya ang lisensya ni Lopez at hindi na kailanman papayagang makapag-apply ng driver license.

Sakali aniyang hindi sumipot sa LTO si Lopez ay reresolbahin na ng LTO ang isyu batay sa ebidensyang iprinesenta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *