Japan trip

Japan trip ng Gabinete ni Pang. Duterte, pabuya at hindi junket

National News

Kinumpirma ng Malacanang na 16 ang opisyal na bahagi ng delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbiyahe nito Martes ng hapon patungong Tokyo, Japan.

Dadaluhan ni Pangulong Duterte ang 25th Nikkei International Conference on the Future of Asia sa darating na Huwebes hanggang Biyernes.

Kasama sa official delegation na inilabas ng Malakanyang ay kasama sina:

  • Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin,
  • Finance Secretary Carlos Dominguez III,
  • Agriculture Secretary Emmanuel Piñol,
  • Public Works Secretary Mark Villar,
  • Secretary to the Cabinet Karlo Nograles,
  • Trade Secretary Ramon Lopez,
  • Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Kasama din sa delegado sina:

  • Transportation Secretary Arthur Tugade,
  • Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña,
  • Energy Secretary Alfonso Cusi,
  • Information and Communications Secretary Eliseo Rio, Jr.,
  • NEDA Director General Secretary Ernesto Pernia,
  • Communications Secretary Jose Ruperto,
  • Martin Andanar,
  • National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Jr.,
  • Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo at
  • Peace and Reconciliation Secretary Carlito Galvez, Jr.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, pabuya sa nakaraang eleksiyon ang pagbitbit ni Pangulong Duterte sa marami sa kaniyang delegasyon.

Ipinunto ni Laurel na maliban sa gabinete, may isinama din mula sa local government at land reform kahit wala namang kinalaman ang land reform sa biyaheng ito ng pangulo sa Tokyo.

Gayunpaman, sa tingin ni Laurel, masaya lang ang Pangulong Duterte sa naging resulta ng nakaraang halalan kaya marami itong isinama sa kanyang biyahe.

Nang tanungin si Laurel kung maituturing na junket ang biyaheng ito ng gabinete ni Duterte ay itinanggi ito dahil gastos ito ng Nikkei.

Inimbitahan ng Nikkei si Pangulong Duterte para magsalita sa International Conference on the Future of Asia.

Isa na rin aniya itong break sa mga nasa gabinete ni Duterte dahil sa lifestyle at schedule ng mga ito.

Isa pa may trabaho din naman ang mga ito sakaling may concern ang mga Japanese counterpart nila lalo pa at may nakatakdang bilateral meeting ang Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

 

Ulat ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *