Pangulong Rodrigo Duterte

Pangulong Duterte, nakatakdang dumalo sa isang business forum ngayong araw sa Japan

National News

Isang aktibidad ang nakatakdang daluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa Japan.

Inaasahang magsasalita ang pangulo sa isang business forum mamayang alas 4:00 ng hapon.

Kagabi nang dumating ang punong ehekutibo sa Tokyo, Japan kasama ang 16 na miyembro ng gabinete na bahagi ng delegasyon nito para dumalo sa 25th Nikkei Conference on the Future of Asia na gaganapin mula May 30-31.

Bukas ay nakatakda namang makipagkita ang pangulo sa Filipino community sa nasabing bansa.

Matapos ang inaasahang pagbibigay talumpati ng pangulo sa forum sa Biyernes, magkakaroon ito ng bilateral talks kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe kung saan inaasahang mapag-uusapan ang South China Sea Dispute.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *