Anti-Bastos Law

Anti-Bastos Law, malaking katagumpayan para sa mga kababaihan

National News

Bawal na ngayon ang pagsipol, pagkindat at iba’t ibang uri ng pambabastos sa mga kababaihan, miyembro ng lesbian, gay, bisexual at transgender community (LGBT) at maging sa mga kalalakihan.

Dahil walang naging aksyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa niratipikahang Bicameral Conference Committee Report ng safe streets, public spaces and workplace act hanggang nitong Abril 21 ay otomatiko na itong naisabatas.

Ikinatuwa naman ni Senator Risa Hontiveros, chair ng Senate Committee on Woman at isa mga co-author ng naturang panukala ang pagsasabatas nito na maituturi aniyang malaking katagumpayan para sa mga kababaihan.

Sa ilalim ng Anti-Bastos Act, hindi bababa sa P1,000 at community service ang maaaring maging penalty ng mga lalabag dito.

Sakop naman nito ang mga kalsada, eskwelahan at maging sa opisinang pinag-tatrabahuhan.

Kaugnay nito, pinatitiyak naman ng senadora sa mga otoridad na maipapatupad ang probisyon ng batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *