Desisyon ng pamunuan

Desisyon ng pamunuan ng Pisay laban sa 6 na estudyante nito, pinasusuri ng CHR

Metro News

Pinasusuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging desisyon ng pamunuan ng Philippine Science High School na hindi pinayagang maka-martsa sa graduation ceremony ang kanilang 6 na estudyante.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News, sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia na nakikipag-ugnayan na sila sa institusyon para makakuha ng kopya sa nasabing desisyon at malaman kung meron silang mga sinusunod na pangloob na alituntunin.

Dagdag pa ni De Guia, baka naging batayan din ang student handbook kung saan nakasaad ang klasipikasyon ng mga offense at karampatang parusa na ibinibigay sa mga estudyante.

 Ano po yung punishment na binibigay nila? Whether it’s expulsion, whether it’s non-graduation and all that. So, iyan po kasi ay predetermined policies na sa umpisa pa lamang, na dapat po nating makita kung ano po yung naging batayan ng board doon po sa kanilang pag-arrive sa desisyon na hindi po pag-martsahin yung mga estudyante.”

CHR de Guia

Samantala, hinimok naman ng CHR ang mga estudyante at mga school authority na sumailalim sa kanilang ibinibigay na training para mapalalim pa ang kaalaman tungkol sa karapatang pantao.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *