investment deals

P300-B investment deals sa pagitan ng Japan at Pilipinas, pirmado na

National News

UMAABOT sa P300-bilyong  halaga ng investment deals ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Japanese investors.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, kabuuang 26 na agreement ang nakapaloob sa nasabing mga business deals na pinirmahan sa unang araw ni Pangulong Duterte sa Tokyo, Japan.

Kabilang dito ang joint venture at expansion at Letter of Intent (LOI).

Sinabi ni Lopez na karamihan dito ay operations expansion na aabot sa labing siyam.

Ayon kay Lopez, binubuo ito ng malalaking kompanyang may operasyon na sa Pilipinas gaya ng mga kilalang Japanese car companies.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *