Jose Laurel V

PH envoy to Japan Jose Laurel V., hindi na kailangan pang patawan ng disiplinary action

National News

Naniniwala si Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi na umano kailangan pang patawan ng disiplinary action si Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V.

Ito ay matapos ihayag ni Laurel na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete ang pagsama sa mga ito sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Guevarra, sapat na raw na pagsabihan si Laurel hinggil sa kanyang ginawa.

Gayunman, sinabi ni Guevarra, wala raw siyang ideya kung ano ang magiging kapalaran ni Laurel dahil sa kanyang naging pahayag.

Una nang sinabi ng MalacaƱang na sagot daw ng organizer ng Nikkei Business Forum ang gastos ng mga delegado mula sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *