Smartmatic

COMELEC, hinimok na huwag nang gamitin ang VCM ng Smartmatic

National News

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (COMELEC) na huwag nang gamitin ang vote-counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa mga susunod na eleksyon.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos matanong ng isang pinay na kasama sa Filipino community meeting sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Pangulong Duterte, nakareserba sana ang kanyang posisyon laban sa Smartmatic sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo pero minarapat na niya itong ihayag para sa mga Pilipino sa Japan.

Sinabi ng pangulo na ayaw naman niyang diktahan ang kapwa independent body na COMELEC kaya hinihimok nitong humanap na ng ibang contractor at huwag ng gamitin ang mga makina ng Smartmatic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *