sigarilyo

Isang kaha ng sigarilyo, aabot sa halos P100 ang presyo

National News

Posibleng umabot sa P100.00 ang presyo ng bawat kaha ng sigarilyo.

Ito ang inihayag ni Sen. Sherwin Gatchalian kapag naaprubahan ang P60 increase na nakapaloob sa Sin Tax Bill sa Senado.

Tiniyak ni Gatchalian na papasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas bago matapos ang kanilang sesyon sa Martes.

Matatandaan na sinertipikahang Urgent Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala.

Aniya, kung tatanggapin ng Kamara ang ipapa­sang panukala ng Senado, mararatipikahan na agad ito sa Martes at maipadadala sa Malacañang para malagdaan ng Pangulong Duterte at maging ganap na batas.

Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang panukala na naglalayong mapababa ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa at makakalap ng pondo para sa Universal Health Care.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *