Senate President Tito Sotto

Agawan ng Senate Committee Chairmanship, hindi hahayaan ng Senate President

National News

Hindi maintindihan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung bakit pilit na inuuga ang kanyang posisyon bilang liderato ng Senado.

Sa panayam ng SMNI News at DZAR Sonshine Radio kay Sotto, sinabi nito na nagkaroon ng lakas ng loob ang mga bagong senador dahil wala pa silang alam sa mga kapamaraanan sa Senado.

Nilinaw naman ni Sotto na sakaling mapalitan siya ay hindi pa rin Senate President ang magdedesisyon ng komiteng nais hawakan ng mga bagitong senador.

 “Kasi nga ang nangyayari ay nakakapagsalita siguro ang iba dahil hindi nga alam yung takbo sa senado. For example, nasasabi nila iyan ano, di sige palitan natin yung Senate President. Sa tingin ba nila kapag napalitan yung Senate President, makukuha nila yung mga komiteng gusto nila? Kung wala kang trece, wala rin.”

—- Senate President Vicente “Tito” Sotto III

 Samantala, pinagpapasadiyos na lamang ni Sotto ang kanyang kapalaran sakaling maalis man siya sa puwesto.

“Saka lahat naman iyan ay nasa sa Diyos lahat iyan. Kahit pilitin, kahit pa anong maneobra mong gusto mo, pagka ayaw ng Panginoong Diyos, madadapa ka eh.

—- Senate President Vicente “Tito” Sotto III

Hindi papayagan ng liderato ng Senado na basta-basta na lamang aagawin ng mga bagong halal na senador ang mga komite na mayroon pang naka-upong chairman.

Aniya, pwedeng kausapin ang kasalukuyang chairman pero hindi kailangang mag-agawan sa mga komite sa Senado dahil marami pa namang bakante.

 “Dami namang magagandang bakante eh. Dahil meron baleng pitong hindi nakabalik eh. Yung pito na yun merong approximately mga labing-isa o labindalawang komite na bakante.”

—- Senate President Vicente “Tito” Sotto III

Magugunitang ilang bagong senador ang nagpahayag ng gustong komite na pamunuan ngayong 18th Congress.

Kabilang dito ang Committee on Public Services, Justice, Education at Blue Ribbon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *