fish kill sa taal lake

Solusyon sa naitalang kaso ng fish kill sa Taal Lake, pinatitiyak ng Palasyo

Section

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng mga hakbang para mabawasan ang epekto ng fish kill sa Taal Lake.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nabahala ang pangulo sa fish kill na ikinamatay ng mahigit 605 metric tons ng tilapia na nagkakahalaga ng halos P4.9Milyon sa Taal Lake.

Sinabi ni Panelo na mahigpit ding pinababantayan ng presidente sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan ang sitwasyon dito, partikular ang kalidad ng tubig sa Taal Lake maging ang presyo, suplay at pagiging sariwa ng mga isdang ibinebenta sa mga palengke.

Una namang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi ma-a-apektuhan ng fish kill ang suplay at presyo ng tilapia subalit pinayuhan ang publiko na suriing mabuti ang binibiling isda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *