Tulfo BROTHERS

Tulfo brothers, tinanggalan ng police escort dahil sa pambabastos kay DSWD Secretary Rolando Bautista

Metro News

IPINALIWANAG ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang dahilan kaya tinanggalan ng police escort ang Tulfo brothers.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na isa sa mga dahilan kaya inalisan ng police escort ang Tulfo brothers ay dahil sa pagbatikos ng broadcaster na si Erwin Tulfo kay DSWD Secretary Rolando Bautista.

Pero paglilinaw ng PNP Chief na pangunahing dahilan pa rin nito ay ang ginagawang periodic review ng pulisya sa mga sibilyan na binibigyan ng police escort.

8 police escort ang inalis sa magkakapatid na Erwin, Ben, Raffy at incoming ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo.

Isinagawa ang recall sa police escort ng mga ito habang pinag-aaralan ang security threat na posibleng tumagal ng 2 linggo.

Matatandaang sa programa sa telebisyon na “Tutok Erwin Tulfo” ay hayagan nitong binatikos ang kalihim matapos tumangging magpaunlak ng panayam.

Minura at pinagbantaan din ni Tulfo si Bautista na kanya itong sasampalin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *