Foreign nationals

528 foreign nationals, kinansela ang working visa

National News

Kinansela ng Bureau of Immigration (BI) ang mga working visa ng nasa 528 foreign nationals dahil sa panloloko.

Inanunsyo ito ni BI Chief Jaime Morente matapos ang kanilang isinagawang dalawang magkahiwalay na post-audits ng visa applications sa 6 na kumpanya.

Ayon kay Morente, nagpasa ng pekeng alien employment permits ang mga foreign employees.

Kabilang sa kinansela ang working visa ng 259 Indians, 230 Chinese, 14 Koreans, 11 Japanese, 5 Taiwanese at 3 Vietnames workers kasama ang isang German, Burmese, Nigerian, Nepalese, Sudanese At Yemeni.

Hindi naman pinangalanan ang 6 na kumpanya dahil sa patuloy na imbestigasyon.

Gayunman, sinabi ni Morente na ang mga kumpanya ay nakabase sa Maynila, Paranaque, at Caloocan at sangkot sa consultancy, residential sales, tutorial, at information technology.

Sa ngayon ay inirekomenda na ng intelligence division ang kanselasyon ng BI permits ng mga accredited agent na nagproseso ng aplikasyon ng 528 na dayuhan.

Nanawagan naman ang BI sa mga Filipino at sa mga legally staying alien na ireport ang mga illegal foreigner sa kanilang lugar at kanila agad itong aaksyunan.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *