salary increase

Palasyo, tinatrabaho ang salary increase ng mga guro

National News

Kasabay ng pagbubukas ng pasukan ngayon araw, muling nanawagan ang grupo ng mga guro kay Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang ipinangako nito na taasan ang sahod ng mga public school teachers.

Sa press briefing sa Malacanang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tinatrabaho na ni Pangulong Duterte ang salary increase ng mga guro.

Funding source ang pinag-uusapan dito sabi ni Panelo kaya’t kailangan mapag-aralan muna ng mga economic managers ng pamahalaan na siya na aniyang ginagawa ngayon ng Department of Finance at ng budget department.

Dagdag pa ng tagapag-salita na mismong ang ina ni pangulo ay isang public school teacher kaya’t gagawa talaga ito ng paraan para magkaroon ng dagdag sahod ang mga guro.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ang isang public teacher ng salary rate na aabot sa P20,754.

Magugunitang nanawagan ang ACT Teachers Partylist na dapat isakatuparan ng Pang. Duterte ang pangako nito noong panahon pa ng kampanya na gawing sapat ang umento sa sahod na ibibigay nito sa mga public school teachers.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *